August 08, 2008
888! Many people think this is a lucky number. And this is the date for today. And they think they will become lucky today. That's why so many people have gone to the lotto outlets to bet their lucky numbers. Businessmen were excited to open their business on this date. Marami ang nag-iisip, whatever field they're into, there will be full of blessings and fortunes.
But behind all these beliefs, iniisip ko rin sarili ko. Magiging maswerte rin kaya ako sa araw na 'to? Sa lahat kaya ng aspeto ng buhay magkaroon ako ng magagandang kapalaran? Sa gitna ng mga tanong na'to hinahanap ko ang sarili ko kung saan ako aakma at kung kanino at kelan ko mahahanap ang sinasabi nilang swerte sa araw na ito?
Where do am I? Nasaan ga ba ako? Kahit aong lengguwahe pa ang gamitin ko sa paghahanap ng swerte, the bottom line is, makakmtan ko kaya ito? Matatagpuan ko kaya ito?
Ako? I am putting myself not just in one corner. Marami namang corner, eh. Paglabas ko ng kwarto hindi lang apat na sulok ang makikita ko. Sa unang hakbang ko pa lang paglabas ng pintuan, marami nang direksyon ang aking makikita na kailangan kong puntahan. At sa sobra ngang dami hindi ko na alam alin ang dapat kong unahin.
Kung minsan, o di kaya'y tamang sabihing kadalasan, ang pagpili ng tamang landas ay nakalilito. Hindi, mo kasi alam kung anong tinatahak mo. Wala kang katiyakan. Lahat na lang nang uang hakbang, pagbabakasakali ang nasa isip mo. "Sana ito na ang tamang daan". "Sana swertehin ako rito". "Sana pagdating ko sa dulo, may lilingunin akong magandang alaala sa aking nakaraan at masasabi kong sa wakas, nagtagumpay rin ako".
Sana nga ganun! Tulad nga ng sabi ko sa Friendster shoutout ko- "It is better to try but failed, than to fail without trying at all".
Napakagandang slogan. Kaya nga yan ang ginagawa ko kadalasan. Pero yun na nga, I'm always trying...and everytime I tried, I always did my best...but still...everything is ended up with failures! Pero sabi nga nila, sa bawat failures daw, there's a blessing in disguise. Dahil kung nagiging successful lang ako sa buhay, wala ako ngayon dito. Hindi ako makakapagsulat nang ganito. At higit sa lahat, hindi ako makapag-create ng sarili kong blog dito sa internet. Aba siyempre ibang pinagkakaabalahan ko ngayon. Pero hindi pa rin naman ako sumusuko. Sabi nga ng ilan- "Try and try until you succeed.
Pero sa ngayon, sa katayuan ko bilang isang trabahante sa isang pipitsugin at nalalaos ng kumpanya, hindi pa muna ako makakagawa ng ibang hakbang. Feeling ko, para akong nasa kulungan. Parang hindi ako malaya sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto kong kumawala. At alam kong wala namang makakapagpigil sa akin kapag ginawa kong kumawala, eh. Kaya lang, feeling ko may isang bahagi ng aking pagkatao na pumipigil sa kung anumang binabalak ko. Hindi ko lang matukoy kung ano yun. Kunsabagay, feeling ko lang naman lahat ng ito, eh.
Ang buhay ko katulad din ng aking pagkatao. Hindi alam anong pipiliin. Nakakulong pa rin. Kasi....pag nakawala...marami ang masasaktan. Yun ay kung may masasaktan. Kung may manghihinayang... pag may nakatuklas. Pero katulad pa rin nga ng sabi ko, lahat ng ito,... feeling ko lang. May totoo... at sana may hindi totoo.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento