Biyernes, Pebrero 12, 2010

Libreng VCD

Sa wakas eto na yung promo na sinasabi ko. Madali lang ito mga 'tol. Pasensiya na nga pala dun sa mga naghihintay at medyo po tayo ay natatagalan ng konti. Pero sabi ko naman diba, hindi tayo aabot ng isang linggo makakapagsimula na tayo. Ang promo na ito ay opisyal na magsisimula ngayong February 15, 2010, at matatapos until supply last. Wala po tayong tiyak na petsa kung kelan ito matatapos. Maaaring sa madalian, maaari ring matatagalan. At bakit ko sinabing 'Promo is good until supply last?”. Dahil po totoong items ang ipamimigay ko. Walang download na kailangan. Wala kayong babayaran ni isang kusing. Matatanggap nyo ang regalo ko at mahahawakan ng buong-buo.
Ano nga ba ang regalo ko? Naku, hindi naman po ito kalakihan. But I assure you puno ito ng “kalalakihan”. Hehe! Medyo jologs po ang dating pero sulit naman. Mamimigay lang naman po ako ng mga original VCD’s. Take note! Original po ang mga ito, hindi pirated. At ano bang klaseng VCD’s yan? Tulad nga ng sabi ko, puno ito ng “kalalakihan”. Ito yung mga pinoy indie movies direct to video. Yung iba naman naipalabas na sa mga sinehan. VCD po lahat ito. Walang DVD. Dahil VCD lang po ang kaya ng bulsa ko. Collection ko po ito na ngayon ay halos umabot na ng 50 piraso. Marahil magtataka kayo bakit ko naman ito ipamimigay. Nangongolekta ako tapos ipinamimigay ko nang ganun ganun lang? Masakit po kung tutuusin dahil sa halagang 199 hanggang 299 pesos bawat isa, ilang libo na rin yun kung iipunin. Pero hindi lang yung presyo ang masakit kaya ako nanghihinayang. Kundi dahil nakasanayan ko na ang ganoong Gawain. Hindi madali ang mangolekta nang ganun kadaming copies ng palabas, huh! Pero sa gitna ng katotohanang nangongolekta ako nang mga ganun, walang alam ang pamilya ko na may ganun ako kadaming lihim sa sulok ng aking cabinet.
Pagkatapos ipamimigay ko nang ganun ganun lang? Pero totoo. Hindi po dahil sa nagsasawa na ako sa kakapanood. Dahil hanggat maaari ayaw kong bitawan ang mga yun. Ang kaso, dumating na tayo sa panahon kung saan kailangan na nating lumagay sa tahimik. At kailangan na nating mamili kung para saan at kung para kanino talaga tayo. Opo. Malapit napo akong grumadweyt sa pagka-dalaga, este, sa pagka-binata. Sa madaling salita, ikakasal napo ako. Mag-aasawa na ako sa isang babae- sa isang tunay na babae.!
Siguro nakuha nyo na ang ibig kong sabihin. At bago dumating ang araw kung saan hindi na ako mag-iisa sa aking silid at makakasama ko na ang magiging asawa ko, kailangan linisin ko muna ang kwartong yun. Bago dumating ang buwan nang Hunyo, kailangan ko nang maidispatsa lahat ng mga nakatagong lihim (may lihim bang hayag?) sa sulok na yun. Kaya dito ko naisip na imbis na sunugin o itapon nang palihim ang mga yun, mas mabuti pa kung ipamimigay ko na lang sa mga taong walang nakakakilala sa akin. At dito sa blog na ito ko naisip ipamahagi ang mga yun. Dahil alam ko marami pa sa ating mga kapatid ang hindi pa nakapanood ng mga palabas na ito lalo na sa mga probinsya at bihira lang makapanood ng sine sa lalawigan.
Sa susunod ko na post malalaman ninyo kung paano nyo makuha nang libre ang mga videos na ayon sa gusto ninyo. Sa kasalukuyan ay patuloy ko pang pinag-aralan ang mekaniks upang marami, kung hindi man lahat ay makikinabang at mabibigyan ko nang kasiyahan. ABANGAN!

5 komento:

kamote ayon kay ...

ako gusto ko !! hehehe..ok ba dalawa??? gusto ko kasi yung mga lalaki sa dilim at yung sinabi ko sa una kong comment na mga boarders ni kuya...sana maibigay sa akin..lol
kamote

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

cool! :)

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

I really appreciate sa desisyon mong lumagay na sa tahimik, i adore that. Congrats, and i hope maging masaya ka sa pinili mong landas ang i am pretty sure you will.

Bago lang ako dito sa blog mo pero sa puntong to, naappreciate kita dahil dito sa article na sinulat mo about yourself.

God Bless.

Channel69 ayon kay ...

thanks, Arniel... I just hope masaya ako sa pinili kong landas..

Hindi-nagpakilala ayon kay ...

I know you will and just pray for it. Anway may comment ako with regards sa Promotion mekaniks mo. hope it will not upset you.

Nad i really hpe it helps kahit konti sayo.

kindly read it nalang kasi di ako nag pakilala dun but i have my email address dun.


arnielcolas@yahoo.com

God Bless.