papalit2palit1
Grabe, nakakatuwa talaga ang mundo. Kanina I was just browsing Facebook. Dahil feature ng Facebook yung nagsa-suggest ng “People You May Know” I saw the profile of this guy, let’s call him Allen. What made me smile was that his profile pic was a very sweet image of him and his girlfriend. Let me repeat that. GIRLfriend. Babae ang karelasyon nito. Babae. Girlalu, obaryo, fallopian tube, bilat, vagina monologue. I whispered to myself, “ahhh… babae na pala talaga ang gusto niya ngayon.” Napangiti talaga ako, kasi naman, may history ito. Officemate ko kasi dati yang si Allen. Ang nakakatuwa nito, kilala ko na siya bago ko pa man siya naging officemate. At alam ko na ang likaw ng bituka niya.
Schoolmate niya ang jowa ko noon (na tatawagin nating Jowa sa salaysay na ito). Sa UP Diliman sila pareho nag-aral. Sa isang subject na nag-require sa kanila na magsulat ng isang position paper, kinailangan nilang maghanap ng ka-partner. Sa madaling salita, si Jowa at si Allen ang naging magka-partner.
Si Jowa at si Allen ay parehong lalakeng-lalake. Sa pagkilos, pananamit, at pagsasalita. Kaya walang problema. Pero si Jowa, may kakaibang talento sa pang-amoy. Anlakas ng radar niya, ng tinatawag na gaydar. Walang senyales pero pakiramdam niya noon, may kakaibang hilig si Allen. Hindi lang talaga niya ma-confirm. Pero tulad ng inaasahan, nauwi ang project na ito sa mga overnight-overnightan. Doon niya nakilala ng husto si Allen, pati na ang misteryo sa likod ng macho guwapitong imahe nito. Mahilig din pala siya sa mga guwapo.
Sa mga overnight-overnightan nila nangyari ang mga dapat mangyari. Kaya’t ayon kay Jowa, tunay na kabaro ang kanyang kaklaseng si Allen. Nagpatuloy ang kanilang sexcapades, even after matapos i-submit ang position paper. Natigil lang ito ng mabalitaan ni Jowa na nagka-girlfriend si Allen. At ito ay si Cheryl, ang babaeng bestfriend ni Jowa. Walang problema yun kay Jowa. Inintindi na lamang niya na baka dala lang ng bugso ng pagnanasa ang mga namagitan sa kanila ni Allen. Hindi sinabi ni Jowa kay Cheryl ang nakaraan nila ni Allen. Pero pagkatapos lamang ng ilang buwan, nag-break din sina Allen at Cheryl. Nagpatuloy naman ang friendship ni Jowa at Allen — although hindi naikuwento ni Jowa kung nagpatuloy rin ang kanilang nocturnal activities.
Matapos ang ilang taon, pare-pareho nang nag-graduate sina Jowa, Cheryl, at Allen. Noon ko nakilala si Jowa, at naging kami na nga. Isang gabi, habang magkasama kami ni Jowa, narinig kong may kausap siya sa cellphone. Si Allen. Pinakausap sa akin ni Jowa si Allen, basta lang daw, para lang daw makausap ko ang dating boyfriend ng bestfriend niyang si Cheryl. Go, sabi ko. “Hi, Allen,” pambungad na bati ko sa kanya, “kamusta?”
Sa kabilang linya, sumagot si Allen: “Migs… ok naman. Ganda ng boses mo ah. Guwapo ka ba?”
Natawa na lang ako. Hindi ko na matandaan kung ano pa ang napag-usapan namin sa maigsing phonecall na iyon. Basta ang di ko malimutan eh ang interes ni Allen na malaman kung guwapo nga ba ang kausap niya.
Nang maging mag-officemate kami, noon ko lamang nasilayan ang itsura ni Allen. Mestisuhin. Di katangkaran, pero may dating. Bad boy look. Pero makinis, in fairness. Delicious looking, kumbaga. Pero siyempre dahil self-imposed rule ko nga ang “No Office Romance” keber ang beauty niya sa akin. Hanggang tango at ngiti lang kami. Ni hindi ko alam kung alam niya na ako yung nakausap niya sa telepono.
Nag-resign si Allen matapos ang ilang taon, habang ako ay nanatili sa kumpanya. Ngayong gabi, nakita ko ulit ang Allen, sa Facebook, at iyun nga, sweet na sweet na naman pala sa isang mujer, sa isang tunay na mujer.
* * *
May nabasa ako sa kungsaan, sinasabing ang sekswalidad daw, specifically ang sexual preference ay fluid. Maaring sa ilang tao, masasabi nilang sila ay siguradong-siguradong lalake, o siguradong-siguradong bading, ngunit may pagkakataon din namang may mga taong mas fluid ang preference. Sa pananaw ko, nabibilang si Allen sa kategoryang ito. Fluid Sexuality. Maaaring papalit-palit, palipat-lipat.
Nakaka-intriga, di ba? Siyempre naisip ko rin, “nage-enjoy din kaya talaga siya sa babae? O cover girl lang si girl, as in panakip-butas?” I want to give him the benefit of the doubt, kasi mukhang in love naman talaga sila ni mujer. Talaga sigurong fluid lang ang sexuality niya. Talaga lang sigurong maari siyang papalit-palit ng gusto, palipat-lipat ng kampo.
* * *
Ikaw, giliw na mambabasa ko… may kilala ka rin bang tulad ni Allen? Sa tingin mo ba’y pupuwede ngang FLUID ang sexuality? Maaari nga bang minsa’y gusto ng isa ay lalake, at pagkaminsa’y babae naman? Ano sa tingin mo?
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento