Linggo, Setyembre 14, 2008

Eskandalo

Starring:
Emilio Garcia- as Benedicto
Andrew Schimmer- as Lance
Paolo Rivero- co-Professor of Benny
Snooky Serna- sister of Lance
Pocholo Montes-
Lui Manansala- parents of Benny

Directed By: Joven Tan

Magkasabay na ipinalabas ang pslikulang “For The First Time” at “Eskandalo” ditto sa Cebu noong August 27, 2008.ngunit mas pinili kong unahing panooin ang “Eskandalo” sapagkat hindi sa ayaw kong makisabay sa dami ng nanonood ng “For The First Time” nina KC Concepcion at Richard Guttierez kung hindi, dahil alam kong ang “Eskandalo” ay tatagal lamang ng isang lingo sa isang eksklusibong sinehan ditto sa Colon. At alam ko ring aabot pa ng isang buwan o higit pa ang pagpapalaba sa mga sinehan ang pelikulang “For The First Time” kaya mahaba-haba pa ang panahon upang ito’y aking mapapanood.
Bakit gusto kong unahing psnoorin ang “Eskandalo”? gusto kong mapanood ito hindi dahil sa igsi ng panahong ipapalabas ito. Hindi rin dahil sa paborito ko ang mga artistang nagsipagganap nito. Actually, wala akong paborito sa mga nagsiganap. Hindi ako avid fan nina Emilio Garcia at Andrew Schimmer. Hindi rin dahilan ang pagiging kuryuso ko dahil ibinase ito sa totoong pangyayaring nagaganap ditto mismo sa Cebu. Simple lang ang dahilan. Gusto kong panoorin ito dahil sa tema nitong kabaklaan.
First time kong mapanood si Emilio na gumanap bilang bakla sa pelikula. Alam kong gumanap na rin siya dati ng ganitong papel noon sa “Selda”, but sad to say hindi ko napanood yun. Effective naman siya. Mahusay naman ang pagkakaganap nia bilang professor na bakla sa pelikulang ito. At sa lahat ng pelikulang napanood ko na may ganitong tema, ngayon lang ako nakaka-relate nang ganito. Salamat sa mahusay na pagkakagawa sa lahat ng bumubuo ng pelikulang ito. Na-appreciate ko naman yung ibang indie movie dahil nga bakla ako at puno naman nang kabaklaan yung napapanood ko. Pero sa pelikulang ito lang ako nagkaroon nang matinding reflection sa buhay ko at kung paano ako nakak-relate nang maige sa bawat eksena.
Totoong mahirap ang kalagayan ng isang baklang sa loob ng tatlumpo’t limang taon sa buhay niya ay nakakulong ang katotohanang kahit siya mismo ay pilit na nagtimpi dahil ayaw mabahiran ng mantsa ang dangal at pangalan ng pamilya. At sa loob ng tatlumpo’t limang tsong yun ng buhay niya, ni minsan ay hindi siya nagkaroon ng karanasan ng mga karanasang laganap sa maraming bakla. Sa loob ng mga panahong yun ng buhay niya, ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob na sumubok sa isang taong inakala niya ang siyang magbibigay katuparan ng kanyang nga pangarap. At ang minsang iyon, sa isang iglap ay siya palang magbibigay sa kanya ng pagkatalo at pagkabigo na maghahatid sa kanya sa kapahamakan.
Nag-iisang anak si Benny (Emilio Garcia). Kumpleto ang pamilya niya at iginagalang sa lipunan ang kanyang mga magulang. Retiradong sundalo ang kanyang ama (Pocholo Montes). Dating principal at aktibo sa simbahan naman ang kanyang ina (Lui Mnanansala). Siya naman si Benny, isang propesor sa isang unibersidad. Dahil nga may iniingatang dangal sa lipunan, hindiladlad ang kanyang pagkatao. Pero marami na ang nakakaalam tungkol sa kanya. Sa pagiging tagong bakla niya. Hindi naman ito lingid sa kaalaman lalo n ang kanyang kaibigan at katrabaho (Paolo Rivero) at ng kanyang mga magulang. Siya yung tipo ng bakla na takot humada. Virgin kumbaga. Nakilala niya si Lance (Andrew Schimmer) sa isang massage parlor. Hanggang sila’y nagkaibigan. Mahirap lang ang pamilya ni Lance. Ate lang niya ang kasa-kasama niya sa bahay. Kaso bungangera’t mukhang pera kung ito’y kanyang ilalarawan. May asawa siya dati kso humiwalay sa kanya sa kadahilanang hindi niya ito mapapaligaya ng husto pagdating sa kama. Dahil nga raw… maliit lang ang kanyang ari. Mapagbigay si Beny kay Lance pagdating sa pera…Ewan kung kusang-loob lang ba ang pagbibigay nito sapagkat wala naman siyang hinihintay na kapalit. Ilang beses na rin siyang inaya at sineduce ni Lance na makipagsex, pero ayaw niya. Hanggang isang araw, napilitan na talaga siya. Naglakas-loob na siyang subukan ito. Ngunit sa araw ng kanilang pagniniig, may natukalasan siya kay Lance. Maliit nga lang talaga ang ari nito. Natataw siya. Isang bagay na ikinasama naman ni Lance. Matagal bago naulit muli ang kanilang pagsi-sex. At nang araw na naulit yun sa dati pa rin nilang tagpuan, dun na naganap ang hindi inaasahan. Ayaw ni Lance na siya’y pagtawanan dahil sa liit ng kanyang kaangkinan. Kay Benny naman, wala sa kanya yun. Ayaw lang talaga niyang malagay sa alanganin. Dahil sa tuwing nagsi-sex daw sila, naalala nito ang kanyang mga magulang. Bagay na hindi pinaniniwalaan ni Lance. Sa halip, hinaharass niya si Benny. Pinadapa. Hinubaran ng pilit. May kinuha si Lance sa bag ni Benny. Isang pen marker. At yun ang isinaksak nito sa puwet ni Benny. Hindi pa siya nakuntento, kinunan pa ng video gamit ang cell phone. Kawawang Benny. Huli n ang malaman nito ang kahayupang ginawa sa kanya ni Lance nang makalabas na siya sa ospital pagkatapos ng kanyang operasyon. Natanggal na rin siya sa unibersidad na kanyang pinasukan. Nabalot sa kutya at libak ang pamilya ni Benny. Ang kanyang pinaka-iingatang pangalan, unti-unti nang gumuho.mabuti na lang andyan pa ang kanyang mga magulang na kahit anong oras, handing dumamay sa kanya.
Sa tagpong iyon kung saan pumagitna si Benny na nakihiga sa kama ng kanyang magulang at yakap nito ang nanay at tatay niya, doon biglang may kumurot sa puso ko. Sa huli’t huli, magulang pa rin ang ating takbuhan. Nasasabi ko sa sarili ko, sana kung nabubuhay lang ang mga magulang ko, matatanggap din kaya nila ang tunay na ako? Pero kahit ngayong wala na sila, para pa rin akong nakakulong sa isang hawla. Hindi ko pa rin mailabas-labas ang tunay kong pagkatao.kung tutuusin, wala naman akong iniingatang pangalan. Hindi ako edukado. Wala nang magbabawal sa akin kung tutuusin. Pero bakit? Hanggang kalian at hanggang ilang beses ko pa ito itatanong sa sarili ko. Hanggang sa matulad ako ni Benny na hihintayin ko pang may magaganap na trahedya sa buhay ko at matuklasan ng buong mundo na ganun pala ako? Siguro nga mas masakit kung sa akin nangyari ang naranasan ni Benny.kumpleto sa magulang si Benny. May handang dumamay sa kanya anuman ang mangyari. Sa akin? Wala!

Walang komento: