Martes, Hulyo 29 2008

Pinoy Fear Factor Audition

July 19, 2008
I’ve been in the audition for Pinoy Fear Factor held at Cinema 3 Ayala Center, Cebu this morning. It was my first time audition ever in a reality show. First time audition, first time also for rejection. Anyway, it was just a trial for me and at least although I was rejected for the first time, nobody in my family or close friends or workmates knew that I’d been in the audition. Because as for me, it is a surprise for them if given the oppurtunity to pass, and otherwise, it does not hurt if rejected.
As of this writing, nobody knows what I did this morning. Maybe the experience will remain secret and it will be kept in me unless someone of my relatives or friends read this blog.
THE EXPERIENCE:
Embarrassed at first. I went directly to the Hall where the proper audition held without registering first to the staff located at the lobby of the department store. I was so ashamed, my gosh! I went with the flow pa naman. Pang-ilang batch na kaya yung sinabayan ko? Nagtanong ako siyempre dun sa last person na sinundan ko. Sabi ko, “Dito ba yung audition ng fear factor?” Ang gago tinignan lang ako…mula ulo hanggang paa. Kung makatingin ‘to akala mo isa siya sa mga interviewer. Keber… Di ko nga lang pinansin.
Maya-maya lang pinapasok na ang mga nakapila. Isa sa mga nakapila yung taong tinanungan ko kung saan nakasunod naman ako. Pagdating ko sa pintuan inawat ako ng guard. “Sa’n ka pupunta?”, sabi niya. “Magpapa-audition po”. “Di ka pwede”, sabi niya.
“Bakit di pwede? Eh, nasa hustong edad naman ako, ah. Eto nga dala-dala ko yung ID ko’t birth certificate. Kumpleto po ako sa requirements”, pagpapaliwanag ko pa. “eh, talagang di ka pwede. Nakita mo ba yung mga sinusundan mo? Me mga numbers na sila sa dibdib. Ibig sabihin nakapagregister na sila. Ikaw wala, kaya di ka pwede. Pa-register ka muna”
Huh! yun lang naman pala ang kulang, eh. Ang dami pang sadsad ng guard na ‘to. Di pa ko dineretso. Sandali, san ba ang registration area? Huh, ang hirap talaga nitong makikipagsapalarang mag-isa. Kunsabagay, okey rin yung mag-isa, eh. wala kang maabalang ibang tao. Teka sandali, asan na ba yung guard.
Tinawag ko yung guard. Dumeretso na to sa loob. May lumabas. Ladyguard. Nabunutan ako ng tinik. Nagtanong ako san ba ang registration area ng fear factor. Tinuruan naman niya ako. Duon daw sa ‘baba. Sa may parking lot daw. Kaya ayun, binilisan ko ang pagbaba. Hinanap ko ang parking lot kung saan ginanap ang registration. Mga 20 minutes bago ko yun nahanap. Nagtanong tanong pa kasi ako kung kani-kanino. buti na lang hindi ko kilala ang mga tinanungan ko. Dahil kung nagkataon, may makakaalam sa sikretong ginagawa ko ngayon. Pa’no kasing hindi ako mahirapan, eh bumuhos ang napakalakas na ulan. Kaya ang inakala kong nasa parking lot ang registration, e lumipat na pala ng pwesto ang mga to. Nasa may lobby lang pala ng Ayala.
Marami akong nadatnang mga aplikante na nangangarap ding makapasok. Hindi muna ako dumiretso sa staff. Siyempre pasimple muna akong nagtatanong. Kumbaga wala akong alam ano bang meron. May pinil-apan silang application form. Mga 2 pages ata yun or 3. At alam kong hindi lang ako ang may ganung gimik. May mangilan-ngilan din na kumbaga wala ring daw alam. Pero maya-maya nakita ko na lang halos kasabay ko pang humarap sa staff at nagtatanong tungkol sa requirements sa pagsali. Hehe. Talaga naman, o.
At ng hiningan na ng requirements, mabilis pa sa alas kwatrong dumukot sa panglikurang bulsa at duon nakatupi ang pinaka-iniingat-ingatang pambatong close-up at whole body picture. Aba, ever ready pala talaga ang mga to. At kumpleto pa. May birth certificate at ilang valid ID. Aba siyempre hindi pahuhuli ang lolo nyo. Dinukot ko na rin yung sa’kin. Hindi po yung ano ko, ha. Yun pong requirements ko po, para malinaw.
At ng maipakita na, binigyan na kami ng kanya-kanyang fill-up form. Yung first page kung di ko makalimutan personal information yun. At ang pangalawa namay kontrata na ata yun. Hindi pa man nakapasok eh nakapirma na agad ng kontrata. napakasigurista talaga no?
Pagkatapos kong nafill-upon yun, sinabmit agad saka binigyan ng number. Di ko makalimutan yung number ko eh. Hehe. Ayoko talagang kalimutan. Eh, first time ko to, eh. “2233″. Yun po ang number ko.
Pagkatapos nun, pumanhik na agad kami sa Cinema3 ng ayala. By batch ang pagpasok. Tig sasampu every batch. For screening daw ito kasama na ang interview. Swerte ko. last batch pala ako for morning session at last number pa mandin. They will take a lunch after my batch.
Kaya ayun, pagpasok namin, naabutan ko pa yung guy na tinanungan ko kanina. Sila na ang nakasalang at ininterview ni Direk Laurente Dyogi. Pagkatapos ng batch nila, kami naman ang susunod. Pero kinabahan na ako. Eto na ‘to. Pagkakataon ko na’ to para makilala. Ang dami kong “sana” habang nasa pila pa ako. Ayoko na lang i-mention ang mga yun. Halos nakalimutan ko na ata ang dapat kung sabihin pag ako na ang tinatanong.
Nung kami na, yun lang pala ang tanong. “Ano bang stunts ang gusto mo sa fear factor.?” Ano ba yan. Buti na lang nag-research ako kagabi about fear factor. Kaya ayun, alam ko yung iba’t ibang stunts na pinagsasabi nila. Sa totoo lang, wala naman talaga akong alam dito, eh. Dahil sa totoo lang hindi naman ako nanonood ng fear factor, no. Ngayon lang ako nagkaroon ng idea ano ba ang fear factor ng magpa-audition sila dito sa cebu. Ni hindi ko nga alam may gagawin palang reality show ang ABS-CBN na ganun at maaring itapat nila sa philippine survivor ng GMA. Naaalala ko pa. Sinabi nung unang tinanong, “Kaya ko pong kumain ng kahit anong insects”. May isa pa “kaya ko pong tumalon sa tulay”. At marami pang kakayahan daw na maipapamalas nila kapag natanggap sila. Diyos ko. Ngayon ko lang narealise. Hindi na lang pala ako dapat sumali dito. Umabsent pa ko sa work para lang makasali nito.
May naisip akong idea. Buti na lang panghuli akong nasa pila. Bago umabot sa akin ang microphone, alam ko na lahat ng mga kakayahan nila. Iisa lang ngayon ang sasabihin ko. Wala na sa isip ko ang ipagpatuloy pa’to. Kaya ng nasa sa ‘kin na ang mic, sabi ko “Good afternoon, po. Ako po si Erill. Yun lang po. Thank you.” E, di tulala si Direk.
“Yun lang sasabihin mo?”, sabi niya. “Opo. E, kinaya na nila lahat, eh. Isa lang po ang masasabi ko. Hindi ko po alam ano tong pinasok ko. Ngayon ko lang po nalaman paligsahan pala ‘to ng kainan ng ipis at iba’t ibang insekto? Kung kaya nilang sumabak sa ganitong paligsahan, meron din naman po akong kaunting kakayahan. Ngayon pa lang po sasabihin ko na sa inyo. Kaya ko pong umatras! May silbi pa po ang buhay ko. Sa sinabi nila, napapansin kong disperado na ata sila masyado.” E, di tahimik sila. Alam ko ako lang ang may sagot na ganun sa lahat ng mga nag-a-audition. hehe. para maiba lang naman. para may mapag-usapan.
Narinig ko yata may natanggap na raw. Number 2130 yata yun. Paglabas ko nakita ko yung guy na nakapasa. May itsura at mukhang artistahin. Tisoy at long hair. Siya pala. Sige, aabangan kita sa tv.
Yun lang po ang mai-share ko sa inyo about my first time audtion. Sa Pinoy Fear Factor pa mandin. Sinabi kong first time. Ibig sabihin, may pangalawa pa, pangatlo o hanggang pang-ilan pa. Hanggat hindi pa ako abutin ng age limit, susubukin ko pa ring makipagsapalaran. Hanggang sa susunod. Love you all!!!!

Linggo, Hulyo 27 2008

My Inspiration On Writing a Blog

Napanood ko sa youtube ang isang episode ng “Nagmamahal Kapamilya” tungkol sa isang fil-am na sa likod ng tagumpay na tinamo niya sa amerika ay pinili niyang manirahan dito sa Pilipinas. It was an inspiring episode to me at lalo na ng malaman ko ang tungkol sa kanyang blog na nagbibigay sa akin ng ideya hindi lang sa paggawa ng blog, ganundin marahil ang laman ng bawat salita na kanyang sinulat doon.

Kaya nga para hindi mawala sa akin ang kanyang blog, kinopya ko pa ang kanyang URL para lang magkaroon ako ng pagsusubaybay sa kanyang paglakbay kahit nitong huli ay nagdesisyon na siyang bumalik sa amerika para dun ay bibigyan ng magandang bukas ang kanyang pamilya.

Hindi namin kilala ang isa’t-isa at hindi ko pinangarap magkakilala kami someday, gusto ko lang magkaroon ng inspirasyon mula sa kanyang katauhan na maaring gabay sa akin para sa sarili ko ring paglalakbay sa agos ng buhay.

Siya si David Poarch- ang tinatawag na “coconuter”.

http://coconuter.blogspot.com/2008/04/interview-at-redstone.html?showComment=1215474060000#comment-c5179337173795915359